Monday, August 30, 2010

Time-out



time out muna ako sa pag gawa ng aking mga takdang aralin.. habang bina-browse ko ang mga picture na kuha sa seminaryo.. naisip ko, "ang bilis ng isang taong nagdaan"

habang bumubuhos ang ulan ngayon.. hindi ko maiwasang mamiss ang seminaryong aking pinanggalingan. namimiss ko ang pagtira ko dito ng halos 9 na buwan. noong una akala ko hindi ako tatagal.. kasi ba naman, halos apat na araw pa lang ang dumadaan.. isang kasamahan na ang tumalikod sa hamon. hindi nya kinaya. ilang araw lang ulit, may nagpaalam nanaman. at bago matapos ang isang buong buwan, isa nanaman ang umalis. salamat sa Diyos at hindi ako kasama sa mga umalis. ang dating 11 naging 8 na lamang sa mga sumunod na araw at buwan.

ang bawat araw ko noon sa seminaryo ay araw araw na hamon para sa aking bokasyon. sa seminaryo ko naranasan ang ilang "first" sa buhay ko.. una na dito ang mamuhay mag isa malayo sa pamilya. masaya na malungkot ika nga nila. una akong nakatikim ng bopis, ng ulam na parang pinakuluan lang. dahil sa may kalayuan ang tinitirhan kong seminaryo, naranasan ko ang pagsakay ng bus. noon nakakasakay lang kasi ako sa bus kapag pupunta kaming bicol, greenhills at tuwing may fieldtrip.

madami akong naging kaibigan sa seminaryo, mula sila sa iba't-ibang panig ng Pilipinas galing. karamihan sa kanila hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa din. mga kapatid na nga halos ang turingan. kapag naiisip ko ang mga bagay na ito.. hindi ko talaga maiwasang malungkot kahit papaano.. sa bawat araw, sa oras lamang ng klase ko sila nakakausap, nabibiro at nakahahalubilo. sila ang naaalala ko sa tuwing sumasapit na ang dilim.. sabay sabay kaming nagkukwentuhan pagkatapos naming kumain ng dinner. nag aaral sa isang lugar na kung saan kami ang mga hari (at may reyna.. at prinsesa) na maiingay..

nakakamiss... kahit papaano.
isa kasi akong "extern" sa seminaryo.. sa labas ako ng seminary nakatira. isang sakay mula sa aming tinitirhan ang layo ng seminaryo.. ngayon nararanasan ko nanaman kung ano ang dati kong buhay sa college sa manila. bumibyahe, nag aaral, namamasyal.. araw-araw. nakita ko ang malaking pinagkaiba ng buhay sa loob at labas. pero kahit ganun, nagpapasalamat pa din ako.. kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos.. hindi kami napapabayaan. hindi kami nawawala sa kanyang pangangalaga.. tunay nga, kasama natin ang Diyos sa araw araw. kahit naman nasa labas ako ng seminaryo nakatira.. hindi namin nakakalimutang magdasal. regular kaming nagdadasal sa harapan ng Blessed Sacrament tuwing sasapit ang alas sais y medya ng gabi.. sandata ko pa din ang rosaryo sa tuwing nakakaramdam ako ng panghihina..

tahimik na ang paligid. tapos ng umulan at muli, presko nanaman ang ihip ng hangin. masarap huminto panandalian at magnilay.

masaya ako sa pagiging "extern" hindi dahil sa malaya akong maituturing.. kundi sa kadahilanang ito ay isang panibagong hamon sa aking bokasyon.. na pagdating ng araw sana.. maibahagi ito at kapulutan ng aral. (kung meron)

time's up!
gising na...
bangon na...
umaga na..

Sunday, August 29, 2010

InspiraDO.



INSPIRADO

tulo ng tulo
ideya mong pang-gulo.
sa papel na blangko
doon ito mabubuo.
akala mo totoo,
bigla na lang maglalaho.


TULA-LA

lahat gumagawa
dinaig pa ang nguma-ngawa
akala ko nakakatuwa
ang pag gawa ng tula.








*lahat ay nangyari sa loob ng klase..

Monday, August 16, 2010

binhi

harangan man ako ng isang batalyon sa aking daraanan
hindi ako papalupig, pagkat ika'y nasa akin at ako nama'y sa iyo.
walang sino man ang makakagapos sa aking nagpupumiglas
na hangaring makasama ka.

pag nagkagayon, hayaan mo akong liparin ko ang langit.

at aking sisiguruhing wala ng magpapatid ng ating ugnayan.
habambuhay.
magpakailanman.

LITRATO (blog ko sa friendster)





sa larawan mo nakaukit ang nakaraan

na siyang palagian kong binabalikan.

ang ngiti mo kahapon,

aking pilit na nililingon.

sa aking imahinasyon

ikaw ang nag iisang inspirasyon.

ang larawan mong puno ng kulay

ang humahawi sa aking pagkalumbay

at sa aking gunita ito’y nanatiling buhay

sa aking pag iisa ngayong gabi

ikaw sana ay nasa aking tabi

at ang tanging hiling pag gising

ikaw sana’y makapiling..