minsan may nagtanong sa akin ng ganito: "bakit ang hirap magpaalam sa isang tao kapag aalis na sya? bakit ang hirap tapusin ang isang ugnayan? bakit malungkot at parang masakit sa dibdib ang isang pagtatapos? pagtapos, pamamaalam, pag-alis. bakit mahirap minsan tanggapin?
HINDI ko alam ang sagot.
maski ako, hanggang ngayon iniisip ko pa din ang pinaka madaling paraan para malimutan ang mga ganyang bagay. alam ko naman na bawat tao dadaan sa ganyang sitwasyon. yung iba nga lang.. hindi inaasahang ganun kaaga. hindi tungkol sa kamatayan ang sinasabi ko.. naisip ko lang.. bakit nga ba minsan kailangang magpaalam at umalis ang isang tao? madami sigurong magsasabing.. "KAILANGAN e dahil blah blah blah blah....." (madaming rason. bigtime na rason pa madalas.)
minsang naikwento ko sa isang kaibigan na isyu sa akin ang pamamaalam. nalulungkot ako ng sobra kapag ang isang kaibigan ay aalis at matagal na panahon ko syang hindi makikita. mabigat sa pakiramdam kapag alam kong dadating yung time na aalis na at wala ng lingunan pabalik.. sa mga ganung sitwasyon, mababaw ang luha ko.
EVERY END IS A NEW BEGINNING ika nga nila.. at sa bawat pagtatapos.. panibagong istorya nanaman.. madaming kanta, tula at ilang Quotes na ang naisulat tungkol sa mga iyan.. nasabi na lahat ng mga kilalang tao at dalubhasa ang mga posibilidad na epekto at dahilan ng isang pagtatapos o pamamaalam.
pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon.. iba na.
pero bakit nga ba maski ang mga magagandang bagay e kelangang magtapos?
ang isang pagmamahal na masaya, bakit kelangang matapos?
ang isang mala-perpektong relasyon, bakit kelangang magwakas?
uulitin ko, HINDI ko alam.
dahil ba kailangan natin ito?
“If you want a happy ending, that depends, of course, on where you stop your story.”