Wednesday, November 10, 2010

gusto

gusto ko
maging kakwentuhan mo habambuhay
makinig sa kwento mo araw-araw
maging matalik na kaibigan mo sa habang panahon
hawakan ang mga kamay mo at huwag nang bitawan pa
haranahin ka sa tuwing ika'y nalulungkot
itago ka sa aking mga bisig sa tuwing ika'y natatakot
punasan ang bawat patak ng luha mo sa tuwing ika'y umiiyak
panonoorin ko ang bawat pag ngiti mo
samahan ka magpakailanman
at kung maari, higit pa diyan ang kaya kong gawin
sa ngayon kuntento na ako sa pagsulyap mo mula dito
sa kinatatayuan ko. aabangan. aantayin kita.
pangako.

No comments:

Post a Comment