Saturday, May 7, 2011

Mom's Day is everyday!

kung may ISANG bagay na kung saan MAKIKITA natin ang
PAGMAMAHAL at PAGSUBAYBAY sa ating DIYOS sa ating buhay

eto daw ay walang iba kundi ang ating mga NANAY..

sila ang matingkad na katuparan ng pangako ng DIYOS sa atin na di nya tayo
PINABABAYAAN.

~ Fr. Jek Arada jr.

Sunday, March 27, 2011

SURVIVING NLEX KM 62

*multiply blogs* may 5, 08*


na-stranded ka na ba?
ako OO..
ng 24 hours?
OO..

tumirik ang sasakyan namin sa NLEX km62 (bandang san fernando) mula 9pm ng MAY 1 hanggang MAY 2 ng 9pm. tiniis ang init, ulan.. gutom.. puyat.. at marahil ang pasensya.. sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko nung sinabi sa min na matatagalan pa bago maayos ang sasakyan.. masyado pa kaming malayo sa manila.. hindi kayang lakarin.. pero pwedeng magcommute.. bakit ko naman gagawin yun?

isa sa mga pabiro namin nasabi "iniwan na ba tayo ni Lord?"

actually kagabi ko lang napagtanto.. hindi pala.. kasi kasama namin sya..
sa oras na naboboring na kami sa tagal ng oras.. nandyan ang UNO CARDS na nagpalibang sa amin, nung umulan.. meron kaming nasilungan.. nung sumakit ang tyan ng iba.. may malapit at magandang cr.. nung pagka gising namin.. binigyan kami ng sapat na lakas para sa isang buong maghapon.. sa gutom at uhaw.. nandyan ang convenience store.. sa init ng araw.. nandyan ang aircon ng jollibee at star mart..
lahat ng yan.. di ko napansin.. hindi nya kami inihinto sa tabi tabi lang.. kundi sa isang secured place.. me gwardya pa at ilaw!

narealized ko lang din dito kung sino talaga ang makakasama mo.. tipong walang iwanan..

at higit pa dyan.. nakauwi kami ng safe..

marahil itong experience na to e di ko makakalimutan.. kasama na to sa masarap balikan sa tuwing may katuwaan..

"kasama" Come to think of it, that’s all we need to know and remember as we go through and whatever we go through in life! Yes, enough for us to know that He is with us and He is one with us!- mula sa pahina ni Fr. Orbos

sounds religious di ba? pero totoo...

gutom

nagrerebulosyon na ang aking tiyan
tila sumisigaw na ang kalamnan ko ng saklolo
at sa kaguluhang ito'y aking napagtanto...
ala una na pala ng hapon.. hindi pa ko kumakain..
nandito ako at naka harap ng aking kompyuter
nag-iisip, nakikinig, nakikipag-usap sa isang kaibigang
nasa malayong ibayo..
makalipas ang ilang minuto..
ang tiyan ko naman ang aking inasikaso..
at matapos kong busugin ang sarili ko sa napakasarap
na century tuna, eto akong muli..
nakaharap sa kompyuter..
dala ng gutom na naranasan ko kani-kanina...
naisip ko lang na.. iba talaga ang magagawa ng gutom at marahil ng uhaw sayo..
gagawa at gagawa ka ng paraan para mawala ang iyong nararamdamang gutom at uhaw
tulad neto.. hindi naman ako ganito talaga magsulat..
pero dahil sa gutom.. nagawa ko to..

ang aking TIME MACHINE

GUSTO KO ITRY MO TO! ok?

wala akong magawa.
ka-chat ko lang si ches (dakilang kaibigan, sabihan ko ng SIKRETO hehe)
bigla ko na lang naisip na bisitahin ang aking

FRIENDSTER- MY MESSAGES..
naglalaman ito ng
INBOX, SENT at TRASH msges

PERO..

nasubukan mo na bang bisitahin ito ulit? sa kadulu-duluhan?
ako madalas ko itong ginagawa..
feeling ko kasi bumabalik ako sa nakaraan pag ginagawa ko to..
at malamang.. ito siguro ang "time machine" ko para makabalik ako sa
mga nakaraan na nangyari..

"ei... number ko is 0**********, ano ba number

mo? cge, merry xmas ha? ;) ingatz"


tulad netong message na to..
December 19,2003 pa.. eto yung time na nagsimula akong
magFS.. unang reply sa akin..

"happy b day!!!!!!!!!!!!!! 100x...... para tumanda k ng

hundred times......... pero d n kailanagan kc halata

n nmn eh!!!! joke!!! happy b day ulit!"

pagbati sa aking birthday

"k lng..... un lang muna din.... busy e... heheheh...."
"oist! thank you!!!!!!!"


parehong galing sa isang tao.. na napansin kong noong 2005 e medyo ok pa ang
communication namin.. kahit papaano.. kasi ngayon hindi na..

"salamat jek,... mis ko na kayo nila louanne... kelan ba ang reunion? kse alis nako by may, punta nako ng dubai... baka may or june... haay... sana nga magkita kits tyo... thanks again... god bless. :)"

aba ches! message mo to!

bukod sa
"pagbalik sa nakaraan".. tila ba mararamdaman mo yung SAYA, LUNGKOT, GALIT at marahil ang PANGHIHINAYANG na din..

na sana pala noon nasabi ko to,, ganito, ganyan.. etc..

ganyan nga talaga pag nakikita natin o nababasa natin ang mga sulat sa atin (maski ang mga sulat na nagawa mo)

sabi nga ni ches..

"kakamiss tlg"


totoo.. nakakamiss ngang talaga..

kung may time ka.. bakit hindi mo gamitin ang sinasabi kong

TIME MACHINE?

bisitahin mo ulit ang iyong INBOX, SENT at TRASH msges..
at magkwento ka naman...


**multiply blogs** sept. 15, 2008

INGAT!
madalas akong makatanggap ng txt na ganito
mapaumaga, tanghali o gabi.. maski patulog na nga e..

INGAT!

simpleng salita.. simpleng txt na kadalasan nating hindi
napapansin..

ang pagsasabi ng "ingat" sa isang tao ay hindi lamang simpleng "ingat ka ah!"
kundi PAGPAPAALALA nung nagsabi na mahalaga ka o pinahahalagahan nya yung
pagiging KAIBIGAN mo sa kanya...

nakakalungkot lang talaga na minsan hindi natin ito "seryosong" sinasabi..
casual lang na "ingat" kasi nga nakasanayan na.. hindi tulad ng mga ILOVEYOU at I MISS YOU...mas natutuwa tayo.. mas kinikilig tayo..

ikaw, kelan ka ba nakatanggap o nakarinig ng salitang "INGAT KA"? o nagsabing "INGAT"?

kaya sa susunod na makatanggap ka ng ganito..
sabihin mo na lang na "OO..THANKS! IKAW DIN!"

at malamang.. maka-iwas ka nga sa disgrasya..

INGAT!

~galing sa multiply blogs ko. sept 17, 2008
"walang PERPEKTONG tao.
walang PERPEKTONG nilalang.
subalit merong
PERPEKTONG PAGMAMAHAL
na siyang nagpupuno sa ating mga kakulangan. kaya sa halip na maghanap ka ng

PERPEKTONG TAO
,

ang PAG-IBIG mo na lang ang PERPEKIN mo..."

dahilan

ikaw ang dahilan sa aking mga ngiti
ikaw ang kumukumpleto ng araw ko
ikaw ang dahilan kaya ako palaging may load
ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti mag isa
ikaw ang dahilan kaya na eLSS ako
ikaw ang dahilan ng pagtitipid ko ng baon
ikaw ang dahilan ng uupdate ko ng FB
ikaw ang dahilan kung bakit late akong makatulog
ikaw ang dahilan kung bakit din maaga akong nagigising
ikaw ang dahilan kung bakit ako nagdadiet
ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito --masaya
ikaw ang dahilan kaya ako nakakasulat ng tula
ikaw ang dahilan kung bakit IKAW ang sagot sa lahat ng aking mga katanungan
ikaw ang dahilan sa paggawa sa talatang ito
ikaw ang dahilan kaya ako nandito

ikaw ang rason sa lahat ng mga rason ko, ikaw ang dahilan sa mga dahilan ko

hayaan mo naman akong maging isa
sa mga dahilan
sa buhay mo..


Saturday, March 5, 2011

Triangular theory of love ni sternberg

The triangular theory of love is a theory of love developed by psychologist Robert Sternberg. The theory characterizes love within the context of interpersonal relationships by three different components:

  1. Intimacy – Which encompasses feelings of closeness, connectedness, and bondedness.
  2. Passion – Which encompasses drives that lead to romance, physical attraction, and sexual consummation.
  3. Commitment – Which encompasses, in the short term, the decision to remain with another, and in the long term, the shared achievements and plans made with that other.

The “amount” of love one experiences depends on the absolute strength of these three components; the “type” of love one experiences depends on their strengths relative to each other. Different stages and types of love can be explained as different combinations of these three elements; for example, the relative emphasis of each component changes over time as an adult romantic relationship develops. A relationship based on a single element is less likely to survive than one based on two or three elements.


Forms of love


The three components, pictorially labeled on the vertices of a triangle, interact with each other and with the actions they produce so as to form seven different kinds of love experiences (nonlove is not represented). The size of the triangle functions to represent the "amount" of love - the bigger the triangle the greater the love. The shape of the triangle functions to represent the "type" of love, which may vary over the course of the relationship:

  • Nonlove is the absence of all three of Sternberg's components of love.
  • Liking/friendship is not defined in a trivial sense. Rather, Sternberg says that this intimate liking characterizes true friendships, in which a person feels a bond, a warmth, and a closeness with another but not passion or long-term commitment.
  • Infatuated love is pure passion. Romantic relationships often start out as infatuated love and become romantic love as intimacy develops over time. Without developing intimacy or commitment, infatuated love may disappear suddenly.
  • Empty love is characterized by commitment without intimacy or passion. A stronger love may deteriorate into empty love. In an arranged marriage, the spouses' relationship may begin as empty love and develop into another form.
  • Romantic love bonds individuals emotionally through intimacy and physically through passionate arousal, but neither is sustained without commitment.
  • Companionate love is an intimate, non-passionate type of love that is stronger than friendship because of the element of long-term commitment. This type of love is often found in marriages in which the passion has gone out of the relationship but a deep affection and commitment remain. The love ideally shared between family members is a form of companionate love, as is the love between close friends who have a platonic but strong friendship.
  • Fatuous love can be exemplified by a whirlwind courtship and marriage in which a commitment is motivated largely by passion without the stabilizing influence of intimacy.
  • Consummate love is the complete form of love, representing an ideal relationship toward which people strive. Of the seven varieties of love, consummate love is theorized to be that love associated with the “perfect couple”. According to Sternberg, such couples will continue to have great sex fifteen years or more into the relationship, they cannot imagine themselves happy over the long-term with anyone else, they overcome their few difficulties gracefully, and each delight in the relationship with one other.[1] However, Sternberg cautions that maintaining a consummate love may be even harder than achieving it. He stresses the importance of translating the components of love into action. "Without expression," he warns, "even the greatest of loves can die" (1987, p. 341). Thus, consummate love may not be permanent. If passion is lost over time, it may change into companionate love.

**nakita mo ba ang mga pagkakaiba?

Friday, February 4, 2011

bye

minsan may nagtanong sa akin ng ganito: "bakit ang hirap magpaalam sa isang tao kapag aalis na sya? bakit ang hirap tapusin ang isang ugnayan? bakit malungkot at parang masakit sa dibdib ang isang pagtatapos? pagtapos, pamamaalam, pag-alis. bakit mahirap minsan tanggapin?

HINDI ko alam ang sagot.

maski ako, hanggang ngayon iniisip ko pa din ang pinaka madaling paraan para malimutan ang mga ganyang bagay. alam ko naman na bawat tao dadaan sa ganyang sitwasyon. yung iba nga lang.. hindi inaasahang ganun kaaga. hindi tungkol sa kamatayan ang sinasabi ko.. naisip ko lang.. bakit nga ba minsan kailangang magpaalam at umalis ang isang tao? madami sigurong magsasabing.. "KAILANGAN e dahil blah blah blah blah....." (madaming rason. bigtime na rason pa madalas.)

minsang naikwento ko sa isang kaibigan na isyu sa akin ang pamamaalam. nalulungkot ako ng sobra kapag ang isang kaibigan ay aalis at matagal na panahon ko syang hindi makikita. mabigat sa pakiramdam kapag alam kong dadating yung time na aalis na at wala ng lingunan pabalik.. sa mga ganung sitwasyon, mababaw ang luha ko.

EVERY END IS A NEW BEGINNING ika nga nila.. at sa bawat pagtatapos.. panibagong istorya nanaman.. madaming kanta, tula at ilang Quotes na ang naisulat tungkol sa mga iyan.. nasabi na lahat ng mga kilalang tao at dalubhasa ang mga posibilidad na epekto at dahilan ng isang pagtatapos o pamamaalam.

pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon.. iba na.

pero bakit nga ba maski ang mga magagandang bagay e kelangang magtapos?

ang isang pagmamahal na masaya, bakit kelangang matapos?

ang isang mala-perpektong relasyon, bakit kelangang magwakas?

uulitin ko, HINDI ko alam.

dahil ba kailangan natin ito?

“If you want a happy ending, that depends, of course, on where you stop your story.”