*multiply blogs* may 5, 08*
na-stranded ka na ba?
ako OO..
ng 24 hours?
OO..
tumirik ang sasakyan namin sa NLEX km62 (bandang san fernando) mula 9pm ng MAY 1 hanggang MAY 2 ng 9pm. tiniis ang init, ulan.. gutom.. puyat.. at marahil ang pasensya.. sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko nung sinabi sa min na matatagalan pa bago maayos ang sasakyan.. masyado pa kaming malayo sa manila.. hindi kayang lakarin.. pero pwedeng magcommute.. bakit ko naman gagawin yun?
isa sa mga pabiro namin nasabi "iniwan na ba tayo ni Lord?"
actually kagabi ko lang napagtanto.. hindi pala.. kasi kasama namin sya..
sa oras na naboboring na kami sa tagal ng oras.. nandyan ang UNO CARDS na nagpalibang sa amin, nung umulan.. meron kaming nasilungan.. nung sumakit ang tyan ng iba.. may malapit at magandang cr.. nung pagka gising namin.. binigyan kami ng sapat na lakas para sa isang buong maghapon.. sa gutom at uhaw.. nandyan ang convenience store.. sa init ng araw.. nandyan ang aircon ng jollibee at star mart..
lahat ng yan.. di ko napansin.. hindi nya kami inihinto sa tabi tabi lang.. kundi sa isang secured place.. me gwardya pa at ilaw!
narealized ko lang din dito kung sino talaga ang makakasama mo.. tipong walang iwanan..
at higit pa dyan.. nakauwi kami ng safe..
marahil itong experience na to e di ko makakalimutan.. kasama na to sa masarap balikan sa tuwing may katuwaan..
"kasama" Come to think of it, that’s all we need to know and remember as we go through and whatever we go through in life! Yes, enough for us to know that He is with us and He is one with us!- mula sa pahina ni Fr. Orbos
sounds religious di ba? pero totoo...